Pagsamba sa diyus-diyosan

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsamba sa diyus-diyosan, dahil gawa ito ng tao at inaalis ang pansin sa soberanya ng Diyos. Itinutumbas ang kasakiman sa pagsamba sa diyus-diyosan; hinahatulan ng Diyos ang mga gumagawa nito, ngunit pinagpapala ang mga sumisira sa diyus-diyosan at bumabalik sa Kanya.

Iniutos na huwag sumamba sa diyus-diyosan

Huwag kang gagawa para sa sarili mo ng anumang mga diyos kasama ko, mga diyos ng pilak o diyos ng ginto. (Exodo 20:23)

Ang mga diyus-diyosan ay gawa ng kamay ng tao

Ang diyos-diyosan ng mga bansa' ay pilak at ginto, gawa sa mga kamay ng mga tao. (Mga Awit 115:4)
Ang mga bansa ng mga diyos-diyosan ay pilak at ginto, gawa sa kamay ng mga tao. (Mga Awit 135:15)

Ibinibigay ng Diyos ang lahat, maging ang materyales na ginagamit sa diyus-diyosan

Sapagkat hindi niya nalamang ako ang nagbigay sa kaniya ng butil, ng bagong alak at ng langis, at ang nagbigay sa kaniya ng labis-labis na pilak at ginto, na ginamit naman nila para kay Baal. (Hosea 2:8)
Paparusahan ko siya dahil sa mga araw ng pista ng mga Baal, nang nagsunog siya ng insenso sa kanila, nang pinalamutian niya ang kaniyang sarili ng kaniyang mga singsing at alahas, at sinundan niya ang kaniyang mga mangingibig at nilimot ako.” Ito ang pahayag ni Yahweh. (Hosea 2:13)

Ang kasakiman ay itinumbas sa pagsamba sa diyus-diyosan

...patayin ninyo ang mga bahagi na nasa mundo—pagnanasa sa laman, karumihan, matinding damdamin, masamang pagnanasa, at kasakiman, na pawang pagsamba sa diyus-diyosan. (Mga Taga-Colosas 3:5)

Hinahatulan ng Diyos ang mga sumasamba sa diyus-diyosan

Pakikitunguhan nila kayo ng may pagkamuhi; Kukunin nila ang lahat ng inyong pag-aari at iiwan kayong walang kasuotan at hubad. Mahahayag ang hubad na kahihiyan ng inyong pagbebenta ng aliw, ang inyong kahiya-hiyang pag-uugali at kawalan ninyo ng delikadesa! Mangyayari ang mga bagay na ito sa inyo sa inyong pagkilos tulad ng isang nagbebenta ng aliw, nagnanasa sa mga bansa sa pamamagitan kung saan kayo naging marumi kasama ng kanilang mga diyus-diyosan. (Ezekiel 23:29-30)
Ang lahat ng kaniyang mga larawang inukit ay magkakadurog-durog at lahat ng kaloob sa kaniya ay masusunog. Ang lahat ng kaniyang mga diyus-diyosan ay aking wawasakin. Sapagkat sa mga kaloob sa kaniyang prostitusyon ay tinipon niya ang mga ito at babalik ang mga ito bilang kabayaran sa babaeng nagbebenta ng aliw.” (Mikas 1:7)

Halimbawa ng bayan ng Diyos na winasak ang mga diyus-diyosan, at pagkatapos ay pinagpala ng Panginoon

Lalapastanganin ninyo ang inyong mga inukit na imahe na nababalutan ng pilak at ang inyong mga pigurang hinulma sa ginto. Itatapon ninyo ang mga iyon tulad ng isang pasador. Sasabihin ninyo sa kanila, “Umalis kayo dito.” Ibibigay niya ang ulan para sa inyong binhi kapag maghahasik kayo sa lupa, at tinapay na masagana mula sa lupa. At magiging masagana ang mga pananim. Sa araw na iyon, ang inyong mga baka ay manginginain ng damo sa mga malawak na mga pastulan. (Isaias 30:22-23)

Halimbawa ng pagsamba sa diyus-diyosan na itinatago sa relihiyon

Sinabi niya sa kaniyang ina “Ang 1, 100 mga pirasong pilak na kinuha mula sa iyo, narinig ko ang tungkol sa sinabi mong isang sumpa, —tumingin dito! Nasa akin ang pilak. Ninakaw ko ito.” Sinabi ng kaniyang ina, “Pagpalain ka nawa ni Yahweh, aking anak!” Binalik niya ang 1, 100 pirasong pilak sa kaniyang ina at sinabi ng kaniyang ina, “Ibinukod ko ang pilak na ito kay Yahweh, para sa aking anak na lalaki para gumawa ng isang inukit na anyo ng kahoy at isang hinulmang anyo ng metal. Kaya ngayon, ibinabalik ko ito sa iyo.” Nang ibinalik niya ang pera sa kaniyang ina, kumuha ng dalawang daang pirasong pilak ang kaniyang ina at ibinigay sa isang manggagawa ng metal na nag-uukit ng anyo ng kahoy at isang hinulmang anyo ng metal. Nakalagay ito sa bahay ni Mica. (Mga Hukom 17:2-4)