Ang Panginoon ay walang kinikilingan
Dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ay Diyos ng mga diyos at Panginoon ng mga panginoon, ang dakilang Diyos, ang tanging makapangyarihan at ang tanging kinatatakutan, na siyang walang itinatanging sinuman at hindi tumatanggap ng mga suhol. (Deuteronomio 10:17)
At ngayon, hayaan ninyong ang takot kay Yahweh ang sumainyo. Maging maingat kapag kayo ay hahatol, sapagkat walang kawalan ng katarungan kay Yahweh na ating Diyos, ni walang pinapanigan o pagtanggap ng suhol.” (2 Mga Cronica 19:7)
Hindi nagpapakita ang Diyos ng pagtatangi sa mga pinuno at hindi niya kinikilala ang mayayaman kaysa sa mahirap, dahil silang lahat ay ginawa ng kaniyang kamay. (Job 34:19)
At kayo mga amo, gawin ninyo rin ang ganoong bagay sa inyong mga alipin. Huwag ninyo silang pagbantaan. Alam ninyo na ang Amo nila at ninyo ay parehong nasa langit. Alam ninyo na wala siyang tinatangi. (Mga Taga-Efeso 6:9)
Hindi tayo dapat magtangi
Hindi mabuti magpakita nang may pinapanigan, ngunit para sa isang pirasong tinapay ang isang tao ay maaaring gumawa ng masama. (Mga Kawikaan 28:21)
Kasalanan ang pagtatangi
Gayunman, kung tinutupad ninyo ang mga maharlikang kautusan, na naisulat sa mga kasulatan, “Mahalin ninyo ang inyong kapwa tulad ng inyong sarili,” maganda ang ginagawa ninyo. Ngunit kung nagbibigay kayo ng pagtatangi sa ilang tao, kayo ay nagkakasala, nahatulan ng kautusan bilang isang lumalabag sa batas. (Santiago 2:8-9)
Huwag kampihan ang mayaman
Mga kapatid ko huwag natin sundin ang pananampalataya ng ating Panginoon Jesus-Cristo, na Panginoon ng kadakilaan, na may pagtatangi sa ilang mga tao, Kung may taong pumasok sa inyong pagpupulong na may suot na mga gintong singsing at may mga marangyang kasuotan, at mayroon ding pumasok na taong mahirap na may maruming kasuotan, at nagbigay lamang kayo ng pansin sa taong may marangyang kasuotan, at sinabing, “Maupo po kayo rito sa magandang lugar,” ngunit sinabi mo sa taong mahirap, “Tumayo ka sa banda roon,” o kaya ay, “maupo ka sa aking paanan,” hindi ba kayo gumagawa ng paghatol sa inyong sarili, at nagiging hukom ng may mga masasamang kaisipan? Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid, hindi ba pinili ng Diyos ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya at manahin ang kaharian na ipinangako sa kanila na nagmamahal sa kaniya? Ngunit hindi ninyo binigyan ng karangalan ang mahihirap! Hindi ba ang mayayaman, sila ay ang ang nang-aapi sa inyo, at hindi ba sila ang nagkakaladkad sa inyo sa mga hukuman? Hindi ba ang mayaman ang lumalait sa magandang pangalan kung kanino kayo tinawag? Gayunman, kung tinutupad ninyo ang mga maharlikang kautusan, na naisulat sa mga kasulatan, “Mahalin ninyo ang inyong kapwa tulad ng inyong sarili,” maganda ang ginagawa ninyo. Ngunit kung nagbibigay kayo ng pagtatangi sa ilang tao, kayo ay nagkakasala, nahatulan ng kautusan bilang isang lumalabag sa batas. (Santiago 2:1-9)
Huwag kampihan ang mahirap
Hindi ka dapat sumang-ayon sa isang taong dukha sa kaniyang kaso sa batas. (Exodo 23:3)
Huwag idulot na ang paghataol ay maging kasinungalingan. Hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman dahil siya ay mahirap, at hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman sapagkat siya ay mahalaga. Sa halip, maghusga ng matuwid sa inyong kapwa. (Levitico 19:15)
Ang mga pinuno/hukom ay hindi dapat magtangi
Hindi kayo magpapakita ng pagtatangi sa sinumang nasa isang pagtatalo, maririnig ninyo ng magkatulad ang maliit at malaking bagay. Hindi dapat kayo matakot sa mukha ng tao, dahil ang kahatulan ay sa Diyos. Ang pagtatalo na sobrang mahirap para sa inyo, dadalhin ninyo ito sa akin at pakikinggan ko ito.' (Deuteronomio 1:17)
Dapat gumawa kayo ng mga hukom at mga opisiyal sa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan ng lungsod na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos; sila ay kukunin mula sa bawat mga lipi ninyo, at dapat sila ay humatol sa mga tao ng may matuwid na paghatol. Hindi ninyo dapat pilitin ang katarungan; hindi dapat kayo magpakita ng pagpanig ni kumuha ng suhol, dahil ang isang suhol ay bumubulag sa mga mata ng matalino at sumisira sa mga salita ng matuwid. (Deuteronomio 16:18-19)
Sinabi niya sa mga hukom, “Pag-aralan ninyo ang dapat ninyong gawin, dahil hindi kayo humahatol para sa mga tao, ngunit para kay Yahweh, siya ay nasa inyo sa paghahatol. At ngayon, hayaan ninyong ang takot kay Yahweh ang sumainyo. Maging maingat kapag kayo ay hahatol, sapagkat walang kawalan ng katarungan kay Yahweh na ating Diyos, ni walang pinapanigan o pagtanggap ng suhol.” (2 Mga Cronica 19:6-7)
Isinumpa kung nagtatangi
“Bilang kapalit, gagawin ko rin kayong kalait-lait at kahiya-hiya sa harapan ng lahat ng mga tao, dahil hindi ninyo iningatan ang aking mga pamamaraan, ngunit sa halip ay ipinakita ninyo na may pinapanigan kayo sa inyong pagtuturo.” (Malakias 2:9)
Tamang mga saloobin
Magkaisa ng pag-iisip sa isa't isa
Magkaisa kayo ng pag-iisip. Huwag mag-isip sa mga paraang mapagmataas, ngunit tanggapin ang mga mabababang tao. Huwag maging marunong sa inyong mga sariling isipan. (Mga Taga-Roma 12:16)
Ituring ang iba na mas mahalaga kaysa sa iyong sarili
Huwag kayong gumawa ng kahit na ano dahil sa kasakiman o walang saysay na pagmamataas. Sa halip ay ituring ninyo nang may kababaang-loob ang iba na higit kaysa sa inyong sarili. (Mga Taga-Filipos 2:3)